Telepono
Comments Off
Posted in Sugarfree on 04.08.09 22:35

Telepono
Sugarfree

Natatandaan mo ba kagabi
Apat na oras tayong nagbabad sa telepono
Inabutan na tayo ng umaga no’n
Ngunit bakit ngayon, malamig ka bigla
Magdamag na sa tabi mo, wala man lang “hello”

Hello, hello, hello
Naririnig mo pa ba ako
Kung wala na tayo sa telepono
‘Pag nandito na tayo sa tunay na mundo

Hello, ‘di na kita naiintindihan
Malabo na ba ang linya sa ating dalawa
Hello, gising ka pa kaya
Hello, nahihilo na ako sa ‘yo

Tuwing gabi ‘pag nagriring ang telepono
Ikaw ang naiisip ko
Tumawag ka, tumawag ka
O, please tumawag ka naman
Dahil kailangan lang marinig ang boses mo

O, ngayong gabi, managinip
Managinip ulit tayo sa sarili nating mundo


Cuida
Comments Off
Posted in Sugarfree on 04.08.09 15:20

Cuida
Sugarfree

Kung ako lang ang masusunod
Aakuhin ko ang iyong pagod
‘Di ka na muling luluha
Lahat ng ‘yong dinaldala, akin na

Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa iyo

Kung pag-aari ko lang ang lumbay
Itatago ko siya habang buhay
Wala nang inggit, wala nang galit
Paliligayahin kita bawat saglit

Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa iyo

Kung hawak ko lang ang panahon
Wala nang kahapon at bukas, meron lang ngayon
Nais kong maging saysay ng aking buhay
Ay bigyan ang iyo ng kulay

Kung aking lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa iyo

Sa iyo
Tanging sa ‘yo [2x]
Kung akin lang [4x]
Ang mundo [5x]
Kung akin lang ang mundo…