Kung Ayaw Mo Na Sa Akin
Comments Off
Posted in Sugarfree on 05.14.09 23:16

Kung Ayaw Mo Na Sa Akin
Sugarfree

Kung ayaw mo na sa akin
di na kita pipilitin
kung buo na ang loob mo,
bahala k ana sa buhay mo
di ako desperado
sa walang kapantay na pag-ibig mo.
Sa mga halik mong walang kasing tamis
tubig ako at ikaw ang langis

[chorus]
Kung hindi ka na babalik
Araw araw na akong gigimik
Kung malayo ka na ay malaya na ako
Ngunit ang kahapon ko ay bihag pa rin
ng alaala mo (nakanang!)

Kung ayaw mo na sa akin
di na kita hahabulin
medyo bata pa naman ako
may mabibighani pa sakin siguro
kung ayaw mo na ako
leche lalong ayoko sayo
Alam mo naman kung san ang bahay ko
baka sakaling magbago
ang isip mo please

[repeat chorus]


Huling Gabi
Comments Off
Posted in Sugarfree on 05.14.09 23:12

Huling Gabi
Sugarfree

Kapansin pansin ang yong ganda ngayong gabi
at ang lungkot sa yong mga ngiti
Ang kisplap sa iyong mga mata’y wala na
Kita sa yong tinging nagsasabing
Tapos na ang lahat sa atin

[chorus]
Ito na ang huling gabi
Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi
ng gabing kailanma’y di malilimutan
Habang mata’y nakapikit, yinakap mo akong mahigpit
Hanggang lumuhang kay pait
Hanggang sa kahuli-hulihang saglit

Kumapit tayong tunay na pagkahigpit-higpit
Hanggang may dumulas,
Hanggang hindi na kaya,
Sino ang unang bumitaw, sino ang unang bumigay?
Sino ang unang bumitaw, sino ang unang bumigay?

[repeat chorus twice]


Salamin
Comments Off
Posted in Sugarfree on 05.14.09 23:10

Salamin
Sugarfree

Gumising akong mabigat ang loob
may guhit ng luha sa aking pisngi
dahan-dahang bumangon at napatanong
bakit dati hindi naman ganito ang buhay
sumisikip ang araw sa king bintana
naririning ang ingay ng kapit bahay
ngunit ditto, singgabi pa rin ng
kumakapit na dilim

[chorus]
Sa salamin ako’y tumingin
unti-unti kong napansin
na sa dami na tin ng nangyari
halos din a makilala ang aking sarili

may mga lumang kanta na naririnig pa
tungkol sa hari, kwarto, tulog at motel na madrama
at ang tinig sa radio at galling sa bata
na nagpapanggap na mama, di lang nya alam
mahirap palang tumanda

[ulit chorus]
nakakita ako ng isng litrato
halos din a makilala ang batang nakangiti
katulad ng maraming bagay, litrato ko’y
kukupas
at bukas isa na lang syang malayong
alaala.


Nangangawit
Comments Off
Posted in Sugarfree on 05.14.09 23:09

Nangangawit
Sugarfree

Di mo ba napapansin sa mga nakaw kong tingin?
Ang hindi masabi ng labi, ay kinukubli ng ngiti
Hangang kailan ko dadalhin
aking lihim na pagtingin
kung hindi mo pa alam, ewan ko na lang

[chorus]
Dinggin ang di kayang sabihin
Halos di magkandrapa at nauutal-utal pa
Patawarin mo ako, kung ang kinikilos ko
ay kabaliktaran ng tunay na nadarama
koooooo.

[ulit chorus tapos may aah-aah sa bridge]

Ano pang di ko kailangan gawin
upang iyong mapansin?
Kelan ba matatapos ang awit
ng pusong nangangawit?
Patawarin mo ako, kung ang kinikilos ko
ay kabaliktaran ng tunay
na nadarama ko (hooo)

[ulit chorus ulit chorus]


Pasyal
Comments Off
Posted in Sugarfree on 05.14.09 23:08

Pasyal
Sugarfree

Isang araw tayo’y namasyal, upang pagod natin matanggal
Kailangan nating maaliw bago tayo tuliyang mabaliw
Nagawi tayo sa may dagat, at sa ating pagmamasid
biglang may batang sumisid at tayo’y nabigla
dahil buong akala, malalim ang dagat
mababaw lang pala

[chorus]
Hanggang napagod tayong umikot
kung saan saan na rin pala tayo umabot
Ang gusto lang natin malaman
meron pa ba tayong ibang mapupuntahan?

Nagawi tayo sa isang tabi, may aleng naglalako ng
cotton candy
sarap titigan, sarap kainin, pero pag kinagatan
parang wala palang laman

[repeat chorus na lang]

Naakit at napabili tayo ng lobo
at di sinasadyang nabitawan. Di man lang natin
hinabol. Hinayaang lumipad, hanggang mawala
hanggang makalimutan na natin
kung bakit nga ba tayo naakit

hanggang napagod tayong umikot
kung saan saan na rin pala tao umabot
at huli na nang ating malaman
wala na pala tayong ibang mapupuntahan
hanggang ditto na lang
Isang araw tao’y namasyal
upang pagod natin matanggal


Wari Ko’y
Comments Off
Posted in Sugarfree on 05.14.09 23:06

Wari Ko’y
Sugarfree

Wari ko’y matagal din tayong di magkikita
Ayoko na tuloy isipin
na malalayo ka na sa akin
bibilangin ang mga gabi
hanggang tayo’y maglutang muli
Wari ko’y magiging maligaya ka
Nasan ka man patunga alam mong
nandito ako
wari ko’y alam mong hahanapin kita
bawat araw na ikaw ay wala na

Sa yong pamamaalam, dadalhin mong puso ko
Wari ko’y kita sa king mga mata
na di ba pareho ang buhay ko
kung wala ka
Ngunit tuloy ang ikot ng mundo
Matagal lang masasanay mabuhay
na tayo’y magkahiwalay
Sa yong pamamaalam, dadalhin mo
ang puso ko

Pikit matang managinip
Mahahanap mo ako sa isang malalim
na sulok ng iyong isip


Ang Pinakamagaling na Tao sa Balat ng Lupa
Comments Off
Posted in Sugarfree on 05.14.09 23:05

Ang Pinakamagaling na Tao sa Balat ng Lupa
Sugarfree

Nandito na sya
Maniwala ka na lang sa kanya
pag sya na ang nagsasalita
Wag ka na lang mag-alala, dahil mali ka
at lagi syang tama
Lahat na yata ng iyong sabihin, kaya nyang kontrahin
wala na yata syang di kayang gawin
wala na yata syang kasinggaling

[chorus]
Heto na sya, ang henyo ng henerasyon
Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na sya, ang pinakamagaling na tao
sa balat ng lupa.

Ang laki siguro ng utak nya, wala nang librong di pa nababasa
Siguro di sya tao, alam na nya ang bawat sulok ng mundo
Kahindik-hindik ang nalalaman, sa mga bagay na
kailan man ay di pa nya nararanasan
Hindi masukat ang kanayang kagalingan

[repeat chorus]

Kamukha na nya si Ernie Baron
May biyak din sa gitna ang barong
May kasagutan sa bawat katanungan
Kahit wala naming nagtatanong
Di bale nang wala syang kaibigan
Dahil hamak lamang tayong taga-lupa
Gawan na natin sya ng rebulto
at ilagay sa tuktok ng mundo


Reunion
Comments Off
Posted in Sugarfree on 05.14.09 23:02

Reunion
Sugarfree

Kamusta na? Matagal na rin tayong di nagkita
Ibang-iba ka na
Ang gabi’y inuulan ng ngiti
Habang binabalik-balikan ang nakaraan
at napansin ko lang

[refrain]
Na habang tumatanda, lalong tumataba
Lalong bumibigat, lalong lumalala
mga problema sa buhay

[chorus]
Ngayong gabi kahit sandali
takasan natin ang ngayon
At bumalik sa ating kahapon
nung buhay natin ay puno pa ng kulay
Kelan ba nagsimula? Kelan ba tayo tumanda

Malayo na rin an gating narating
mula nang maghalikan ang mga landas natin
May mga yumaman na, may biglang nawala
at may ibang walang magawa kundi manganak
ng manganak

[repeat refrain and chorus]

Tignan mo nga naman ang nagagawa ng panahon
Kay layo na natin sa noon
Matatapos din ang gabi
ngunit di maghihiwalay
ang puso ko at alaala mo

(para sa mga kapatid ko sa UPRHS batch
93. aminin nyo na, tumaba kayong lahat)


Wag Ka Nang Umiyak
Comments Off
Posted in Sugarfree on 05.14.09 23:01

Wag Ka Nang Umiyak
Sugarfree

Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
pag-ibig ko ay totoo
ako ang iyong bangka, kung magalit man
ang alon, ng panahon, sabay tayong aahon

[chorus]
Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Di kita bibitawan

Wag kang umiyak, mahaba man ang araw
uuwi ka sa yakap ko
wag mo nang damdamin kung wala ako sayong tabi
iiwan kong puso ko sa yo
at kung pakiramdam mo’y wala ka nang kakampi
isipin mo ako dahil puso’t isip ko’y
nasa yong tabi

[repeat chorus]

di kita pababayaan

Kapit ka, kumapit ka
(para sa buhay ng buhay ko)


Ikaw Pala
Comments Off
Posted in Sugarfree on 05.14.09 22:59

Ikaw Pala
Sugarfree

Kung saan saan na napadpad
Naglakad, lumangoy, at lumipad
Tuwing akala ko, pag-ibig ay tunay na
Hindi pala, hindi pala

[refrain]
Nung hindi na nakatingin at saka ka dumating
Nanyan ka lamang pala
Di ka lang nagsasalita

[chorus]
Ikaw pala, aking hinahanap
Bahaghari sa likod ng ulap
Ikaw ang hulog ng langit, sa puso kong
napunit

Dahil sa dramamng paulit-ulit
Kanina ka pa ba
Ikaw pala
Ang aking napapaginipan
(ikaw pala) awit na di matanggal
sa aking isipan
Din a mahalaga, kung saan ako dalhin ng hangin
Basta’t nandito ka sa king piling

[repeat refrain and chorus]